Wednesday, October 14, 2009

MAPAGPALA PRESS RELEASE


PRESS RELEASE
OCTOBER 12, 2009

FISHERS ACCUSE THE GOVERNMENT OF EXPLOITING THE DISASTER

Fishermen from Laguna de Bay accuse the government of exploiting the calamity to remove obstruction to the multi-billion dollars infrastructure projects. Communities along Laguna Lake were among the hardest hit areas by the catastrophic flooding following the onslaught of Typhoon Ondoy. Hundreds of villages around the lake remain submerged to floodwater forcing hundreds of thousands of residents to live in evacuation centers.

According to Bonifacio Federizo, spokesman of the group MAPAGPALA, the government intends as early as 2007, to demolish the 100,000 families living along the shoreline of Laguna Lake to pave way for the massive reclamation project. He added that using the pretext of waterways obstruction, the government is preparing to demolish the entire lakeshore communities and proceed with their mega plan.

Master Plan

The Philippine Government has an existing Technical Cooperation Agreement with Peoples Republic of China thru Xiamen Rongtai and China State Construction Engineering Corp., to develop an investment area around Laguna de Bay. It is a USD 2.5 billion project called ‘LABART’ covering the 150 km shoreline out of 220 kms total shoreline of Laguna de Bay. The project is a construction of an integrated road and railway system from Metro Manila to Laguna and Rizal. The whole system is composed of 150 kms of shoreline embankment road, 30 km of causeway structure and 25 kms of land-based on-grade road and railway. LABART will reclaim parts of 90,000 hectares of Laguna de Bay in Calamba, Pakil and Taguig. Last December 2008, City Government of Taguig has entered into joint venture with Laguna Lake Development Authority to reclaim 3,000 hectares of shoreline to construct airport and commercial area. Close to 25,000 families affected by Taguig reclamation shall be relocated.

Induced suffering

Federizo assails the Laguna Lake Development Authority for being inutile institution in taking care of the lake and its people.

“The flood is a clear result of 42 years mismanagement of LLDA to Laguna de Bay Eco-system, and even failed to respond aggressively to reduce the suffering of people in this time of calamity,” he said.

MAPAGPALA claims that LLDA rejected their petition to construct the Paranaque spillway for lack of funds but go ahead in the construction of Taguig Road Dikes in preparation for the Taguig reclamation project.

“By doing no effort in draining the floodwater at the lakeshore communities, even the simple dismantling of wrecked barge blocking the Pasig River, it is easy for us to assume that Chairman Edgar Manda of LLDA is inducing the retention of flood and eventually declare the whole Laguna Lake shoreline as uninhabitable for the implementation of LABART,” Federizo charged.

MAPAGPALA is determined to resist the LABART Project and planning to file a class suit against the government to demand compensation to all the damages during the flooding incurs by the negligence of government in all its level. xxxendxxx

Friday, September 11, 2009

HEAVEN KNOWS IM MISERABLE NOW - The Smiths

I was happy in the haze of a drunken hour
But heaven knows I'm miserable now
I was looking for a job, and then I found a job
And heaven knows I'm miserable now
In my life
Why do I give valuable time
To people who don't care if I live or die ?
Two lovers entwined pass me by
And heaven knows I'm miserable now
I was looking for a job, and then I found a job
And heaven knows I'm miserable now
In my life
Oh, why do I give valuable time
To people who don't care if I live or die ?
What she asked of me at the end of the day
Caligula would have blushed
"You've been in the house too long" she said
And I (naturally) fled
In my life
Why do I smile
At people who I'd much rather kick in the eye ?
I was happy in the haze of a drunken hour
But heaven knows I'm miserable now
"You've been in the house too long" she said
And I (naturally) fled
In my life
Why do I give valuable time
To people who don't care if I live or die ?

Thursday, September 10, 2009

Piraso ng Isang Maghapon


Agosto 29, 2009 Alas kwatro ng hapon. Dahil hindi pa tapos ang eksklusibong pag-uusap ng isang grupo, agad akong tumalilis pagkatapos magbilin na i-text nalang ako kapag tapos na sila.
Ilang hakbang lang nakalabas na ako sa makipot na eskinita. Palingon-lingon ako, malikot ang aking mga mata habang binabagtas ang pangunahing kalsada ng barangay Wawa. Mainit ang araw, mainit ang sementadong daan at higit sa lahat, pakiramdam ko maiinit ang mata ng mga istambay na nadadaanan ko.

Sa wakas nakakita din ako ng internet shop pagkatapos ng tatlong minutong paglalakad. Bad trip! Walang bakante. Tuloy ang lakad sa mainit na daan. Bago ko marating ang dulo ng binabagtas kong kalye, nakita ko sa isang tarpaulin ang mukha ni Gary Granada. Mayroon siyang pagtatanghal sa Setyembre sa isang bayan sa Rizal ’di ko na maalala kung saan.

Narating ko na ang dulo ng kalye. Pagliko ko sa kanan ilang hakbang lang bigla akong nakakita internet shop. Sa pagkabigla, nawala ring bigla ang gana kong mag kompyuter. Nahalina ako marahil ng dambuhalang simbahang nakukumutan ng lumot.

San Ildefonso de Toledo ang pangalan ng parokya. sakop ng dayosis ng Antipolo. Ayon sa Lapida sa labas ng gusali, kumpleto itong nakumpuni noong 1783. Siempre sa ilalim ng pamahalaang kastila na pinamumunuan ng mga prayle.

Pumasok ako sa loob kahit hindi ako sigurado kung mananalangin ako o hindi. Ang tagal ko ring naging Atheist kaya hanggang ngayon nahihiya parin akong magdasal. O siguro hindi lang ako handa na marinig ang sarili kong kinakausap ang diyos. Maari ring nagsasawa na akong iparating ang mga reklamo ko sa buhay, galit ko sa mundo at pagkasuklam sa nagkalat na mga pulitikong walanghiya, sinungaling at tarantado sa bayan ko. Pwede ring nasuya na akong idulog ang mga sama ng loob ko at pagaalinlangan sa maraming bagay, pati sa aking pananampalataya.

Malamig sa loob ng simbahan hindi tulad sa labas parang nasa impyerno ang pakiramdam ko sa init kahit hindi pa ako nakakarating sa impyerno. Siguro dulot ng makakapal na tipak na adobeng ginawang haligi at ding-ding kaya hindi sumusuot ang init at sa mahigit dalawampung talampakang taas ng kisame. Pwede ring mas magaan at maaliwalas talaga ang pakiramdam sa mga lugar na pinupuntahan ng mga taong gusting mapalapit sa diyos? Naisip ko tuloy, ano kaya ang pakiramdam kapag nakapasok ako ng Malacañang? Sa Dami ng mga demonyo at demonyito sa loob nun at naglipanang mga kampon ni satanas na naglalabas-masok doon, malamang unang hakbang palang pagpasok ko ng gate tuyo na lahat ang pawis ko.

Parang bahay ng kalapati, may kanya-kanyang sisidlan sa napakalaking altar na kulay ginto ang mahigit dalawampung Santo at Santa na hindi ko kayang pangalanan maliban kay Sto. Niño, Jesu-Kristo, birhen Maria at ang Pinoy na Santong si Lorenzo Ruiz. Kumpleto rin ang 13 imahe ng istasyon ng krus sa magkabilang dingding sa loob ng simbahan.

May ilan-ilan ding pumapasok. Bahagyang lumuluhod, nagkukrus at taimtim na nananalangin. May ilan ding grupo ng mga bata ang pumasok sa loob. Hindi sila maingay parang nahawa sila sa katahimikan ng iba. Sa loob, kahit walang nagsasabi parang obligado kang manahimik. Hindi ko alam kung bakit? Siguro, baka kasi masapawan ng ingay na ihahasik mo ang panalangin ng iba.

Biglang pumasok sa isip ko si GMA at mga tropa nyang kumain ng halagang Php 1.72 M sa New York para sa dalawang hapunan. Nanumbalik ang sama ng loob ko. Gusto kong ipanalangin na malason sila sa susunod nilang hapunan. Kaso pinangunahan ko na ang diyos, alam ko may pasya na syang ipaubaya kay satanas ang lahat pag si GMA ang pag-uusapan.

Hindi parin nababasag ang katahimikan sa loob ng simbahan. Wala akong duda, diyos lang ang makakarinig sa walang boses nilang mga panalangin, pagsusumamo, pasasalamat at pagpupuri. Ang lalim ng ugnayan at tiwala ng mga taong ito sa diyos. Sa diyos lamang nila kayang sabihin ng walang pagdududa ang kanilang mga duda, lihim, pagdiriwang, sumbong, pagkasuklam at pagpapatawad.

Ano kaya ang idinalangin nila? May nakiusap kaya sa diyos na sana gunawin na nya ang mundo para hindi na makapaghasik ng kasamaan ang tao? Ilan kaya ang nagsumbong sa diyos sa paulit-ulit na pagsuway ng mga opisyales ng gobyerno sa utos na Huwag Magnanakaw? May panalangin kaya tungkol sa kapayapaan? Na sana tumama sa lotto kasabay ng pangakong tutulong sa mahihirap kapag natupad ang hiling? Ilan kaya ang dumalangin na magkaroon ng trabaho at makaahon sa kahirapan? Ilan kaya ang nakiusap na bigyan ng isa pang pagkakataon na magbagong buhay? Mayroon kayang naghahayag ng galit sa diyos dahil hindi napagbigyan ang kahilingan?

Siguro sa dami ng santo at santa sa loob ng simbahang ito, tiyak may makakarinig sa iyo.

Madalas kong naririnig na lumalapit lamang ang mga tao sa diyos kapag may problema. Ganun din ba ako? may problema ba ako? Tiyak marami naman akong pwedeng sabihin pero kung handa ba akong sabihin ‘yun ang problema! O kahit naman hindi sabihin alam naman nya ‘yun. Ganun daw ang diyos sabi nung titser ko noong grade 3 at ni Pastor X nung nakaraang aksidenteng napadalo ako sa isang fellowship.

Tahimik parin sa loob kahit na nakadalawang set na ng basket ball sa labas ‘yung mga tambay na nadaan ko papasok ng simbahan.

Tahimik , tahimik , tahimik! Pwede bang isigaw ang katahimikan? Sabi nila may nakakabingi daw na katahimikan. Hindi kaya mabingi ang diyos sa bilyon-biyong tahimik na panalangin?

Tumunog ‘yung Cell Phone ko pinapaalis na ako ng panginoon.

SUGAL NG MASA 101




SUGAL NG MASA 101
ni Jonathan D. Chua
PUSOY
Pusoy ang pinakaseryosong laro ng baraha. Sa lamesa ng pusoy, apat ang pangunahing kalahok. Isang Bangka at tatlong puntos. Napapalibutan ito ng mga merôn na hindi mapigilang makipinta at bumulong-bulong kapag hindi nagugustuhan o may nakikitang ibang mas malakas na bahig ang baraha. Pumupusta rin ang mga merôn. Nakikitaya ito sa mga puntos at sumasalo sakakulangan ng Bangka.

Maraming klase ang sabit (side-bet) na pusta sa pusoy, nandyan ang black pair, one eye at alas. Hindi narin kailangang bahigin ang napagkasunduang luck. Pangunahin dito ang Eskalera o Straigh Flush at Quadro. Depende sa kasunduan maari ring kilalaning luck ang Three Colors o yung plasis ang baba, plasis ang gitna at plasis ang ulo, No people, Six pairs, at straight, straight, straight. Bawal ang bumulong ang merôn lalu na kung malakas kang bumulong at naririnig ng Bangka o puntos ang ibinubulong mo. bawal din bumulong lalu na kung pikunin ang mga natatalong naglalaro. Higit lalung bawal bumulong ang may mabahong hininga.

kicker ang tawag sa isang paris ng barahang isinasama sa trio para bumuo ng isang Full. mas mataas ang Full kaysa plasis (flush) na mas mataas naman kaysa sa Straight. Hindi mananlo ang two pairs at trio sa tatlong uri ng ng limang barahang nabanggit. pero syempre nakakasilat parin ang Five Pairs.

Paw ang tawag sa maling bahig o maling pagsasaayos ng labin-tatlong baraha. Mga tanga lang ang may kakayanang gumawa nito.

CARA Y CRUZ
Cara y Cruz ang isa sa pinakamaingay na laro. Bukod sa walang seyentipikong paliwanag kung bakit kinikuskus hanggang mabura ang tinubog na itsura ni Rizal sa tatlong baryang piso sa malapad na semento, makalansing din ang paglagpak nito sa malapad na semento mula sa ere. Kasabay ang dumadagundong na sigawan ng mga mamumusta ng Cara! Cruz! At putang-ina malas!

Parang treasure hunting, Kapag walang malapad at makinis na semento sa paligid, naglalakbay ng limang kilometro ang mga gustong mag cara y krus matagpuan lamang ang pinakahahanap-hanap. Kung hindi sila makakakita, parang mga anarkista nitong babasagin ang pader ng abandonadong bahay o kaya naman kukunin ang isang takip ng kanal sa eskinita.
BINGGO
Isa pang maingay na sugal ang BINGO! Sa bingo kahit lahat ng tao sa mundo maaring sumali. Basta may pamusta o pambayad sa ilalabang card at syempre dapat alam kung paano ka bibingo. Kung tanga ka pwede ka ring sumali para mag-ubos ng pera. Kumuha kalang ng card na may 25 numerong pinaghalo-halo mula isa (1) hanggang Sitenta y singkong (75) numero. Ang 1-15 ay matatagpuan sa ilalim ng letrang B, 16 - 30 naman sa I, 31- 45 sa N, 46-60 sa G at 61-75 sa O. Mag-imbak din panantos. mga limang dakot na bato, butong pakwan at butong kalabasa.

Maingay ang pag-alog ng pitumpo’t limang numerong nakaukit sa hugis tabletang plastik na nakasilid sa kulay putting basyo ng isang litrong botelyang plastik ng silver swan. Iba-iba rin ang umaalog, depende sa swerte. Parang perya marami ring buladas ng katatawanan ang bingo depende sa pagiging malikhain ng taga-alog at tagasigaw narin ng lumuwang numero.

Hindi katulad ni Marcos noong panahon ng martial law, demokratiko ang sugal na BINGO. Sa bawat paglalaro pinag-uusapan at pinagkakasunduan kung alin ang BINGO at alin ang hindi. Iba-iba kasi ng patakaran depende sa pinanggalingang komunidad ng sugalan. Hindi rin maaring umpisahan ang laro na gamit lamang ang simple o higit pang mayorya, sa BINGO mabilis na pinoproseso at kinukuha ang consensus! Kapag nagsimula at may nagdeklarang BINGO! ngunit malabo ang mga patakaran, mauuwi sa bintangan ng pandurugas at ayawan ang labanan.

Madalas itong ginagawa habang nagpapasuso ng bata at nagbabakbak ng langib.


LUCKY NINE
Lucky nine naman ang laro ng mga mainipin. Sa larong ito etsa-pwera agad ang labing-dalawang tao sa baraha. Dahil lucky nine, nuebe ang pinakamataas. Good na ang otso at siete, kung malakas kang mang bluff. Maari mo nang ikasa ang sais. Pwede ring ihirit ng isa pa ang nakuhang kombinasyon sa dalawang baraha kung ito ay mababa. Maaari itong tumaas para magkaroon ng laban o mas lalung bumaba o tuluyang mabuta.

Kadalasan Bangka ang nagbabalasa pero maari ring magbalasa ang puntos para mapaalis ang alat o malas. Pakatapos balasahin, ipinapa-cut ito ng Bangka. depende kung ilang cut ang gusto m, huwag mo lang palalampasin ng singkwenta baka layasan ka ng kalaro. Aakalain nya kasing adik ka na nabaliw sa droga.


TONG-ITS
Hindi ko alam kung bakit tong-its ang ipinangalan sa sugal na ito. Wala talaga akong ideya. Pero nilalaro ito ng tatlo hanggang apat na kalahok at gaya ng iba pang sugal na nabanggit ko na, napapalibutan din ito ng sandamukal na mga merôn. Pwede mo rin itong laruin mag-isa kung inaatake ka ng buryong at walang gustong makipaglaro sa iyo maliban sa sarili mong konsyensya at sarili mong anino. Samahan mo narin ng pusta para mas eksayting ang paglalaro mo.

may tinatawag na gitnang taya ang larong ito, na mapapanalunan lamang kapag naka two consecutive hits ka o two-hits. kapag ikaw ang hits, pagtutulungan ka ng tatlo mong kalaban para hindi ka manalo at manatili ang pusta sa gitna. lilipat ang hits sa namumurong makasunggit ng naipong gantimpala. syempre magbabago din alyansa ng mga naglalaro.

sapaw ang tawag sa pangpatong ng karagdagan o dugtong na baraha iyong baba o tinatawag na bahay. kapag walang sapaw o basag, maaari ka nang mag deal o lumaban. sa karamihan walang karapatang lumaban ng pababaan ng natirang bilang ng baraha ang walang baba o bahay, ngunit dahil sa likas na pagkamalikhain ng pinoy gamblers nakapag-amyenda ito ng ilang mga patakaran. sa ilang pagkakataon may mga nagsusulong na maaaring lumaban ang walang bahay basta may secret (lihim na barahang hindi ibinaba). may mga duda na sa malilit na sitio sa taguig nagsimula ang pakanang ito, para lamang mailusot ang isang bistadong pandaraya.

Masamang sinyales ang pagbubulsa ng mga naipanalo. Hindi kasi natatantya ng kalaban kung magkano na ang isinilid mong panalo. Gaya ng ibang sugal kahit tumagal ng isang siglo , natatapos din ito. Nagkakaayawan at lahat nagdedeklarang talunan. Syempre hindi ‘yun totoo. Pwedeng sa tong lahat napunta ‘yung pera o sa kadalasang dahilan ayaw mamalato ng nanalo.

Pero wala ng sasama pa sa gumagamit ng salitang mo. Ang mo ay isang unibersal na kataga sa mga mandurugas sa sugalan na wala ng pera ay lumalaban pa. kapag natalo ay sasabihing bente mo, trenta mo, singkwenta mo. Kapag natapos na ang tong-its at siningil mo na ang iyong accumulated mo, sasabihan ka pa ng Tang-ina mo may utang ka pa nga sakin eh!


MAHJONG
Malayo ka palang sa sugalan alam mo na kung mahjong ang nilalaro, maliban nalang kung hindi mo alam ang mahjong. Maririnig mo ang ingay ng pagkakamada ng mga piyesang kinuha sa sungay ng elepante mula sa kontinente ng Africa. kung tahimik dinig na ito sa layong 200 metro, kung maingay naman mauulinigan mo sa lapit na 10 metro. Kung may katabing Videoke na may kumakanta ng mga awitin ng Aegis, Siakol at Renz Verano tiyak hindi mo maririnig dahil mainit na ang ulo mo. Hindi mo rin maririnig kung bingi ka.

Pagkatapos magkasundo sa halaga ng taya. Sisimulan na ang pagkamada, isasalansan ng dalawang-patong ang itinaob na pitsa ng apat na kalahok. Pagkatapos noon, ihahagis ang dice sa gitna doon ibabatay kung ilang patong na piyesa ang palalampasin bago humugot ng unang tig-aapat na pares ang bawat kalahok. Susundan pa iyon ng isa pang apat na pares.

Maliban sa Balls, Sticks at Characters meron pang ibang piyesa na tinatawag na Flores. Kapag flores ang nabunot mo, bubunot ka ulit sa nakasalansan na dead wall o kong box (Ito ‘yung apat na linya na kinamadang pitya na parang Great Wall of China), hanggang hindi mo nakukumpleto ang labing-anim mong piyesa.


kapag namuro na ang iyong piyesa, ang pagsalat ng pitsa ang pinakamasarap na karanasan ng mga nagmamahjong. bubunot ito ng pitsa, sasalatin ng palasinsingan at gitnang daliri ang nakaukit sa pitsa. kapag nasalat ang hinihintay na pitsa bigla itong inihahamppas patihaya ang sinalat na pitsa at saka magdedeklara ng todas!

Parang pelikulang intsik, sisigaw ka lang ng PUNG! CHOW! At KANG! Kapag nakakakuha sa tapon ng katunggali. Eskalera at Siete pares ang pinakasikat na todas sa sugal na ito. kapag nagkagulo maari karing matodas.

Ang tatay ko ay tumatagal ng tatlong buong araw sa paglalaro mahjong o 72 oras. Pumanaw sya noong ika-29 ng Setyembre 1994 at inilibing sa Holy Cross Novaliches.

JUETENG
Sa isang buwan ika-15 taong anibersaryo ng nanay ko bilang magiting na kubrador ng Jueteng. Nagsimula niyang yakapin ang mga prinsipyo at pananagutan ng isang lihim na operasyon ng hanap-buhay na ito noong namayapa ang tatay namin noong 1994. Maliban sa ito lang daw ang kaya nyang gawin, tuluyan n’ya naring niyakap ang idolohiya na Jueteng ang tugon sa kahirapan ng lipunan.

Mula sa bansang Tsina ang iligal na sugal na ito. Naggaling sa dalawang pinagdugtong na salita ang Jueteng. Jue na ang ibig sabihin ay bulaklak at Teng na ang ibig sabihin ay taya.

UG o underground ang operasyon ng Jueteng. Para kang namumudmod ng Noli me Tangere noong panahon ng mga kastila , pagdadala ng red book ni Mao Tse-Tung at PSR ni Joma Sison naman noong panahon ng batas military sa Pilipinas. Siempre lahat ng iligal na operasyon, dumadali kung may koneksyon.

Bago tumaya ng jueteng, importanteng ikonsulta sa mga clairvoayant ang katumbas na numero ng iyong napanaginipang ahas na bilog, Giraffe na walang leeg at checkered na kulay ng zebra. Numero otso ang katumbas ng natapakan mong tae sa daan, ang bulate ay depende sa pagkakapulupot. Maaari ring ibatay ang taya sa itlog ng tarantula, pagbubuntis, kapanganakan, petsa ng kamatayan, bilang ng tilaok ng manok sa katanghalian, solar at lunar eclipse, pormasyon ng mga ulap at haba ng Hyden-katrina Sex Video Scandal.

Karaniwang taya ang dalawang pares na numerong napiling kombinasyon. Tinatawag itong gitna o tumbok-salo, sa tumbok-salo nag-iiba ang halaga ng tatamaan depende sa naunang bulitas na lumabas sa bote. 1 – 37 ang numero ng jueteng. Sa kabuuan mayroon itong 1,369 na kumbinasyon maliban sa Saklit, Kulong, Diretso (diretsa sa iba).

Kabo ang tawag sa pinunong kolektor ng mga kubrador. Siya ang may responsibilidad na malikom lahat ng itinaya sa mga kubrador sa ilalim ng kanyang pamamahala at madala ito ng ligtas sa lihim na lugar ng bolahan. Tatlong beses isinasagawa ang bolahan araw-araw at minsan ko narin itong nasaksihan sa bahay ng kagawad sa aming barangay. Maliban sa porsyento sa taya at balato, kumikita rin ang mga kubrador kapag may nananalo.

Iskandaloso ang sugal na ito. Maraming beses na nating nasaksihang niyanig ng mga kontra-jueteng ang pamahalaan. Kasama ang jueteng sa mga kontrobersyang kinasangkutan ni dating pangulong Erap na nauwi sa tuluyan niyang pagtalsik sa pwesto. P 2 Milyong piso naman ang buwanang akusasyong lagay sa pamilya Arroyo sa isang rehiyon lamang sa hilagang Luzon noong unang bahagi ng 2008.

Ang simbahang katoliko ay umamin ding may mga paring tumatanggap ng donasyon mula sa Jueteng para ipampagawa ng sagradong dalanginan ng mga mananampalataya.

Jueteng Lord ang tawag sa mga investor ng sugal na ito at si Erap ang tinaguriang Lord of all Jueteng lord. Bagaman humina ang operasyon, laganap parin ang jueteng sa buong arkipelago ng Pilipinas.

ENDING
Sa kombinasyon ng dalawang dulong numero ng magkatunggaling koponan sa larong basketball ibinabatay ang resulta ng ending – pwera ang limang (5) minutong ekstensyon ng laro kapag nagpantay ang puntos sa dulo ng apat ng kwarter. Mayroon itong 100 kumbinasyon na maari mong tayaan mula 0-0 hanggang 9-9. Noon 20% ang napupunta sa nagpataya bilanghalaga ng kanyang pagod, (mas mataas na yata ngayon) at 80% ang tatamaan ng mananalo.

ang nagpapataya ng ending o nagpapa-ending ay masipag pang lumakad sa kartero ng liham. Nagagawa nitong libutin ang buong kumunidad para kumbinsihin ang buong sambayanan na tumaya. Kapag bago ka pa lamang nagpapataya, kailangan mong maglaan ng isang lingo (depende sa halaga ng iyong pataya) para mapuno mo ang ending card. Kung batikan ka nang tulad ko, mahaba na ang dalawang araw para makakumpleto. Kailangan mo ring tandaan ang mga inaalagaang numero ng suki mong mananaya para ireserba ito sa kanila. Maari mo lamang itong patayaan sa iba kapag tumanggi na silang tayaan ito, wala na silang perang pantaya, o kaya naman patay na sila.

Noong 1990 ako ang nagpasimuno ng ending sa maliit naming komunidad sa Camarin Caloocan. 10 at 25 limang sentimo ang pataya ko noon bawat numero. Kapag nakapagbayad na ang mga napataya ko, hindi ko inaanunsyo kung tuloy o hindi ang laban. Kapag walang tumama sasabihin ko tuloy at syempre maligayang-maligaya ako, kapag may tumama naman, sinasabi kong hindi natuloy dahil hindi nakumpleto ang taya. Muntik na akong sapakin ng tropa ng kuya ko sa galit. Nagkulay pulang mansanas daw ang mukha ko ng 3 oras.

Tatag ng pananampalataya ang magpapanalo sa’yo kapag 24 na Segundo lamang ang nalalabing oras at namuro ang tinayaan mong numero. Dalawang nagtutunggaliang panalangin ang bumubutas ng ozone layer. Sa isang panig, ‘yung gusto pang makabuslo para madagdagan ang puntos, sa kabila naman ‘yung gustong ubusin na lamang ang oras hanggang tumunog ang bell. Mas delikado ang katayuan ng iyong numero kapag dikit ang laban o nasa pangangalaga ng koponang naghahabol ng maliit na lamang ang bola. Sa kabilang banda pag-asa ang hatid ng sitwasyong ito. Ngalang, nakadepende na ito sa pulso ng manlalarong magbubuslo ng bola sa dulong Segundo ng labanan.

Sa dulo dalawa lamang angresulta ng ending, may tumama at walang tumama. Syempre kapag walang tumama panalo ang nagpataya.

Ang fans ng Ginebra ay mas nanaising matalo sa ending basta manalo ang Team. Hindi gaya ng mga tagahanga ng Purefoods, Alaska, San Miguel at iba pang mga koponan na ‘di bale nang talo ang team basta panalo sa ending!

FIRST DE CARA
Ang sugal na ito ay nanggaling sa Cara y Cruz. Simple lamang ang patakaran ng larong ito. Magmamanohan muna ang mga kalahok sa iginuhit na linya gamit ang tayang-pamato na baryang piso. Mga apat hanggang limang metro ang kadalasang distansya ng mga kalahok sa linya ng manohan. Kung sino ang pinakamalapit sa guhit, siya ang mano.

Ang mano ang may karapatang unang maghagis ng lahat ng pamatong barya. Nakataob o cruz dapat ang pagkakasalansan sa tatlong daliring madalas na gamit sa larong ito. Maaari ring nakakalat ito sa buong palad bago ito ihagis sa ere. Ang taas ng hagis ay depende sa katinuan ng utak ng mga naglalaro.

Sinusundan ng mga manlalaro ang pagtilapon sa ere ng mga barya hanggang sa plakda nitong pagbagsak sa aspaltado o sementadong kalye. Lahat ng bumaligtad o kumaka ay panalo ng unang naghagis. Ang natitirang baryang hindi kumara ay ihahagis naman ng ikalawang kalahok, susundan ulit ng pangtlo, pang-apat hanggang sa huling kalahok. Kung tapos nang mag itsa ang lahat at mayroon pang natirang barya, muling babalik sa mano para sinulan ang pangalawang ikot ng pagkakataon. Kapag napakara na lahat ng barya, ulitin lamang ang proseso para ipagpatuloy.

Natatapos ang laro sa ayawan at bulyaw ng mga inang nag-utos na sumalok ng tubig para makapag saing.

DIGITS
1991 ko natutunang ang larong ito. Pinauso ng Math Wizard na anak ng titser namin sa kabihasnang asyano.

Buong pera o perang papel lamang ang pwedeng gamitin sa sugal na ito. Kung may buo ka ngayong pera makikita mo ibabang kaliwa at itaas ng kanang bahagi nito sa harapan ang dalawang letra kasunod ang anim na numero o digits. Gaya ng isang libong buo ko ngayon nakalagay ang JC 873257.

Paano laruin ang digits? Simple. Titiklupin o Irorolyo mo lamang na parang binibilot na marijuana ang pera mong papel para ilihim ang anim na digits sa loob. Ipapahawak ito sa katunggali para mamili ng tatlong numerong kumbinasyon. Sa loob ng lima hanggang sampung Segundo, mataman nitong pakikiramdaman na parang kayang basahin ng isip ang nakapintang numero, tititig sa iyong mga mata at kikilatisin ang detalye ng iyong galaw. mga senyales iyon na nagsasabi ng tamang kombinasyon para manalo. Ang hindi mapipili ang magsisilbi mong numero. pagsasama-samahin ang talong numerong napili at hindi napili ng iyong katunggali saka ikukumpara ang resulta. Buta o Zero ang kombinasyong walang panalo kundi tumabla at nuebe naman ang pinakamataas. Madalas manalo ang kumbinasyon kong 1-4-6 at 2-3-5.

Isa pang laro namin noon ay pataasan ng mapipiling numero sa anim na hilerang digits. Muling titiklupin o bibilutin ang papel na pera. Mamimili ka o ang iyong katunggali, depende kung kanino galing ang pera, ng isang numerong para sa iyo at ang isa ay para sa kanya. Kung sino ang mas mataas siya ang magtatagumpay.

Kahit kumbinsido akong mabisang paraan ang sugal na ito para magkainteres at matututo sa matimatika ang mga estudyante, mas guto ko pa ring kalaban ang mga bobo sa math.

COLOR GAME
Sa peryaang lumilibot sa iba’t-ibang bayan sa panahon ng pista masasaksihan ang larong ito, pero minsan nakakakita narin ako nito sa isang lugar malapit sa terminal ng jeep sa Novalichez. Syempre sa tuwa, nakitaya rin ako at muling humalo sa mga marangal na nilalang ng daigdig. Gaya ng iba pang sugal sa simula lang ang swerte. Nang matapos, nag 1-2-3 ako pauwi sa amin. Para akong nasunugan uniporme, bag at bolpeng walang tinta lang ang nasalba ko.

May isang bangka sa color game na nagbabayad sa lahat ng mananalo at humahamig ng taya ng lahat ng matatalo. Anim ang kulay na pwede mong pagpilian o tayaan. Ipapatong mo lang ang iyong taya sa napili mong kulay, kasama ng taya ng mga katulad mong gumon sa sugal. Sa isang tablang pahaba na nakatihaya, nakapinta ang anim na mga kulay na hinahati ng isang horizontal na linya at apat na linyang vertical.

Tatlong malalaking dice na gawa sa kahoy na pinintahan ng anim na pabilog na kulay. Sa anim na kulay. pula ang paboritong tayaan ng mga aktibista, dilaw naman ang para sa mga fans ni Ninoy at Cory, Asul ang sa mga empleyado ng MMDA, itim ang kay Darth Vader, mga punks at taong grasa , Puti sa mga Sakristan at baby, rosas ang sa mga dalaga at Berde ang sa mga manyakis.

Ipapatong ang tatlong dice sa butas na kwadrong may malapad na pansalo para hindi agad mahulog habang iniipon lahat ng taya. Mayroon isa (1) hanggang isa’t kalahating (1 ½ ) yardang nylon na nakatali sa sa binaluktot na de unong pako sa isang bahagi ng kwadro, hihilahin ito ng sinuman sa tumaya o maepal na alalay ng mananaya para mahulog at dumausdos sa pahalang na tabla ang dice patungo sa kinulong nitong sahig.

Kapag tumigil na ang dice sa paggalaw, panalo ang mga tayang kakulay ng nasa ibabaw ng dice. Maari kang tumama ng doble kapag dalawang kulay sa tatlong dice ang lumabas, triple naman kung lumabas sa tatlong dice ang tinayaan mo, at parehas lang o tutumbasan lamang ang panalo mo kapag isang kulay lang sa tatlo ang lumitaw. Natural talo kapag hindi lumabas ang kulay na tinayaan mo. Asar-talo ka kapag nakalimutan mo kung saang kulay mo nilapag ang taya mo.

Kailangan malakas ang kapangyarihan ng isip sa sugal na ito. Kwento sa akin ng kaibigan kong talamak na sugarol ng color game sa amin kaya daw kontrolin ng isip ang pagtaob at pagtihaya ng mga dice at kapag nagawa mo ito, tiyak na daw ang pagyaman mo. Hanggang sa kasalukuyan mahirap pa sa daga ang kaibigan ko.